Derell: Ang Munting Prinsipe (Isang Awtobayografi)

Saksi ang buong kaharian ng nilikha ng Diyos sa nakakahalinang iyak ng sanggol sa natatanging ika-18 araw ng Hulyo taoong 1997. Isang regalo mula sa maykapal ang ipinagkaloob sa mag-asawang Ginoong Rodel Arellano at Gng. Marissa Arellano. Panganay sa tatlong magkakapatid na sina Ehdrian Arellano at Crizel Arellano. Tila nagsiawitan ang mga anghel sa kauna-unahang pagkakataon ay ngumiti ang munting prinsipe. Magiliw na tinahak ng batang iyon ang pagdaan ng panahon. Nakapagtapos ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Sta. Anastacia. Tumuntong ng hayskul sa Sta. Anastacia – San Rafael National High School. Doo’y nahubog at lumago ang kakayahang kanyang mga natutunan mula pagkabata. Nakasalamuha ng napakaraming uri ng tao. Sumailalim sa iba’t-ibang suliranin sa buhay ng kasama ang kanyang mahal sa buhay at syempre ang lumikha.

Naglaro, tumakbo, humiyaw, tumalon, nadapa at umibig. Hindi sya naging iba sa karaniwang napagdadaanan ng isang simpeng bata.  Naglaro at tinakbo ang buhay na punung-puno ng kagalakan at pasasalamat. Nabansagang  “Joker of the Year Kahit Waley” awardee ng kanyang mga kapwa kamag-aral at mga kaibigan.

At syempre, tulad ng lahat ng prinsipe siya ay nakatagpo ng prinsesa. Isang binibining nakaagaw ng kanyang atensyon noong siya ay nasa ika-unang taon ng kolehiyo. Ang babaeng masasabi nyang isa sa pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay, si TugsTugs.

Sa ngayon, siya kasama ng kanyang pamilya, kaibigan at ng Panginoon ay tinatahak ang kursong Bachelor of Science in Computer Engineering sa First Asia Institute of Technology and Humanities, at naglalayong makamit ang kanyang katibayan ng pagtatapos kasama  ang mga naunang nabanggit, ay gusto niyang makamit ang tamis na tagumpay na kahit sino ay ninanais.

Teka nga lamang pala, nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Derell Arellano, ang munting prinsipe. 🙂

HANGIN

Isang gabing sobrang init
sa sakit ako ay namimilipit
pinagpapawisan ng malagkit
hawak ang tiyan ng mahigpit

Ano kaya’t kay hapdi
pakiramdam ko’y di mawari
di naman ako makapanisi
kagat ko na aking daliri

Sa higaan di mapakali
bumangon ng dali-dali
sa banyo nagbaka-sakali
sana nga sakit ay mapawi

Pag-upo sa tronong puti
sa aking pagmamadali
masamang hangin sumirit
pakiramdam ko’y langit

Put*^&^$@$! utot lang pala
ako’y pinahirapan at nagdusa

DAMA

Dama mo ba ang pigil kong hikbi?
sa tuwing maghihiwalay ating mga labi
Dama mo ba ang aking pighati
sa tuwing mamaalam ka kahit sandali

Dama mo ba, gaano kabigat aking dala?
kapag ikaw ay di mahagilap ng aking mga mata
Dama mo ba ang walang kutumbas na saya?
sa sandaling ikaw ay yapos at yakap ko na

Dama mo ba na hindi ko kayang mabuhay?
kung hindi ko hawak iyong malambot na kamay
Dama mo ba na wala na akong asam sa buhay?
kundi ang makasama ka at mahalin ng tunay

Alam kong dama mo kung gaano kitang mahal
dahil hindi dadaan ag araw na di kita hanap
Alam kong dama mo kung gaano kitang mahal
dahil kasama ka lagi sa aking mga pagarap

Akin lamang dalangin at tangi kong hiling
sa tabi ko lagi kang nandiyan at mananatili
Akin lamang dalangin at tangi kong hiling
lagi kang naka-antabay sa pagsungo ko sa dilim

Aral

“Mas mabuti ang walang tulog sa walang aral, dahil ang tulog mababawi mo, ang nakuha mong grade ay di mo na mababago.”

Ito lagi ang kasabihan na iniisip ko kapag ako’y magrereview, kahit ako’y antok na antok na at alam kong wala pa akong aral, magpupuyat ako. Dahil alam ko naman na pwede pa ako bumawi ng tulog kapag nagkaroon na ako ng libreng oras.

“Mag-aral ng mabuti upang buhay at bumuti.” – Kuya Kim

Bitterano

image

Para sa mga bitter diyan sa buwan ng Pebrero. HAHAHAHAHA 😂

Hindi naman natin kailangan ng kapartner sa Valentines Day, makasama mo lang kaibigan mo, okay na.

Kaso may special someone ako, kaya hindi pwedeng kasama lang ang kaibigan. 😂😂

“ANG AMPALAYA AY KINAKAIN, HINDI INUUGALI.”

ENVIENG

Fill in the blanks,
walang nasagutan,
enumerasyon,
bigyan sana kahit konting konsiderasyon.

Hindi daw kailangan magsaulo,
tapos magbibigay ng fill in the blanks,
walang tugma ang aking tula,
hayaan mo na may maisulat lang.

Araw Araw

umpisa ng araw

huwag kang malunod sa sabaw.

umpisa ng umaga

huwag kalimutang magpaganda,

umpisa ng tanghali

huwag kalimutang ngumiti

umpisa ng hapon

darayuhin ka ng daluyong.

Ang araw bawat araw ay tunay na araw

Ang gabi tuwing gabi ay tiyak ngang gabi

Ngunit ang tao sa mundo,tiyak nga bang tao?

Kay Gandang Marka

k2366184

sa pawis na nunukal habang nakapila
nabubuo ang pagtitiis para sa hangaring maganda
at ang sandaling tila inaksaya,
di aakalaing maganda ang ibubunga

kaya nga matatanaw ang libong pag-asa
sa isang tila walang saysay na marka
na minsa’y tinutumbasan ng munting halaga
at minsa’y nais pang nakawin ng iba.

kaya’t isang araw ang dapat paglaanan
ng tamang nilay-nilay at wastong kaisipan
upang ang isang markang inilaan
pagdating ng panaho’y di pagsisihan.